--Ads--

Nagtapos sa ikawalong puwesto si two-time Olympic champion Carlos Yulo sa men’s floor exercise final ng FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Rotterdam, Netherlands, matapos makapagtala ng 13.233 puntos.

Nahirapan si Yulo sa kanyang landing sa isa sa mga routine at bumagsak sa banig, dahilan upang makakuha ng 5.800 sa difficulty at 7.633 sa execution, kasama ang 0.30-point penalty.

Nasungkit naman ng American gymnast na si Fred Richard ang kanyang unang world championship gold medal, habang silver medalist si Jake Jarman ng Great Britain at bronze medalist si Artem Dolgopyat ng Israel.

Sa kabila ng resulta, magtatangkang bumawi si Yulo sa vault final na nakatakda ngayong araw ng Linggo, oras sa Maynila.

--Ads--