Nagdagdag pa ng panibagong gintong medalya si Olympic champion Carlos Yulo matapos makatulong sa panalo ng Olympique Antibes-Juan-les-Pins (OAJLP) Gymnastique sa France.
Sa kanyang naging performance sa French Men’s Artistic Gymnastics circuit, nagpakita si Yulo ng kahusayan sa parallel bars kung saan nagtala siya ng 14.250 puntos. Maging sa floor exercise ay nagpakitang-gilas din siya matapos makakuha ng 15.050 puntos.
Sa isang Instagram post, ibinahagi ng two-time Olympic gold medalist ang kanyang pasasalamat sa koponan.
Dagdag pa niya, naging mas makabuluhan ang tagumpay dahil sa matinding pressure at mga hamon na kanilang hinarap bilang isang team.
Dahil sa kanilang panalo, napagwagian ng OAJLP ang kampeonato sa kompetisyon at napatalsik ang ASVG Vallauris mula sa titulo.





