--Ads--

CAUAYAN CITY – Kinilala ang Cauayan City Government bilang pangatlong Best LGU Empowerment at Best in Customer Empowerment sa Digital Governance Awards 2020 na ginanap kahapon sa pamamagitan ng virtual.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mayor Bernard Dy, sinabi niya na panalo ang lunsod ng dalawang 3rd place sa Digital Governance Awards.

Entry ng pamahalaang lunsod ang Digital Twin Cities dahil ang Cauayan City ang kauna-unahang lunsod sa bansa na nagkaroon nito.

Ang Digital Twin Cities ay isang 3D map ng Lunsod ng Cauayan na ginagamit para sa disaster resiliency, preparedness, pagkuha ng mga datos ng mga pinsala sa imprastraktura o sa mga pananim sa real time gamit ang Artificial Intelligence (AI) kaya mabilis ang pagkuha ng mga datos.

--Ads--

Hindi pa napapasinayaan ang nasabing programa dahil sa COVID-19 ngunit umaasa si Mayor Bernard Dy na masisimulan ito sa lalong madaling panahon.

Pangalawang entry ng Cauayan City ang Cauayan E-Patrol na nagtatrack sa sumbungan ng bayan kung naaksyunan na ang mga sumbong.

Nakuha ng San Juan City ang 1st place at 2nd place naman ang Maynila.

Isinagawa ang awarding sa virtual at ayon kay Mayor Dy ipapadala na lamang ang kanilang nakuhang award.

Kada taon ay may naiuuwing parangal ang lunsod ng Cauayan tulad noong 2019 nang makamit ang dalawang 1st place.

Ayon kay Mayor Bernard Dy, napakasaya na nananalo pa rin ang lunsod kahit na agricultural, third class city at hindi gaanong mataas ang income ay kayang makipag-kompetensiya sa mga lunsod sa Metro Manila.

Malaking bagay aniya sa panalo ng lunsod ng Cauayan na makita ng ibang LGU ang kanilang mga nagawang innovation at magamit para sa ikagaganda ng kanilang lugar.

Ang pahayag ni Mayor Barnard Dy