CAUAYAN CITY– Naitala ngayong araw ang 11 panibagong positibong kaso ng COVID-19 sa Cauayan City.
Una ay si CV5722, 72 anyos na babae, na residente ng Barangay District 3.
Agad siyang isinailalim sa strict home quarantine simula nang nagpositibo ang kanyang kapamilya na sina CV5521, Cv5580, at CV5595.
Siya ay maysakit na diabetes at alta presyon.
Pangalawa si CV5725, 29 anyos na lalaki,isang negosyante na residente ng Barangay District 1.
Pangatlo si CV5744, 67 anyos na lalaki, residente ng Barangay Minante 1.
Siya ay nakaranas ng ubo at dumaranas ng Chronic tubulointerstitial nephritis, Chronic Kidney Disease at Community Acquired Pneumonia.
Ang iba pang mga nagpositibo ay sina CV5745, 1 anyos na batang lalaki, residente ng Barangay Cabaruan ; CV 5757, CV 5760 at CV5765 na kapamilya ng nagpositibog si CV5425.
Sila ay nakaranas ng lagnat at pananakit ng ulo na agad isinailalim sa strict home quaranitine simula ng nagpositibo si CV5425 ngunit inilipat na sila sa LGU quarantine facility.
Sumunod na nagpositibo si CV5762, CV5763 at CV5764, pawang residente ng Barangay District 1..
Sila ay isinailalim din sa strict home quarantine simula nagpositibo si CV5484 na kanilang kapamilya.
Panghuling nagpositibo ay si CV5774, 24 anyos na lalaki, residente ng Barangay District 3 ma sumailalim sa strict home quarantine simula ng nagpositibo si CV 5089 na kanyang tiyuhin.





