CAUAYAN CITY– Naitala ang 21 panibagong positibong kaso ng COVID-19 ang Cauayan City.
Una ay si CV 5498, 22 anyos babae, at residente ng Barangay Alicaocao.
Sumunod ay si CV 5506, 49 anyos na lalaki at residente ng Barangay San Fermin.
Tatlo sa mga nagpositibo na kinabibilangan nina CV 5516, CV 5525, at CV 5526 ay magkakamag-anak at katrabaho ng nagpositibong si CV 5089.
Pang-anim ay si CV 5517, 37 anyos na babae at residente ng Barangay District 1.
Sumunod ay si CV 5518,37 anyos na lalaki, at, residente ng Barangay District 1.
Pangwalo ay si CV 5520, 49 anyos na lalaki, at residente ng Barangay District 3.
Isa pang nagpositibo ay ang 55 anyos na babae at residente rin ng Barangay District 3.
Dalawa sa mga naitala na sina CV 5521 at CV 5522 ay kasamahan sa trabaho ng nagpositibong si CV 5349.
Napositibo rin sina si CV 5523, 24 anyos na lalaki, residente ng Barangay Minante 1; CV 5524, 52 anyos na babae residente ng Barangay San Fermin; CV 5527, 23 anyos naa babae, residente ng Barangay District; CV 5543 at CV 5580 na mga kapamilya ng nagpositibong si CV5521 na pawang mga residente ng Barangay District 3.
Dalawa pa sa naitala na sina CV 5581 at CV 5583 ay kapamilya ni CV 5425, pawang mga residente ng Barangay District 1.
Ilan pa sa mga naitalang nagpositibo sa virus ay sina CV 5584, 21 anyos na babae, residente ng Barangay San Fermin; CV 5585, 22 anyos na babae, residente ng Barangay San Fermin; CV 5586, 24 anyos na lalaki at residente ng Barangay San Pablo.
Panghuli ay si CV 5587, 54 anyos na lalaki, at residente ng Barangay District 3.
Muling nanawagan ang pamahalaang lunsod na sumunod sa mga health protocols para makaiwas sa COVID-19.










