--Ads--

CAUAYAN CITY – Naitala ang anim na positibong kaso ng COVID-19 sa Cauayan City.

Sa inilabas na abiso ng pamahalaang lunsod, tatlo sa mga bagong kaso na kinabibilangan nina CV 5486, CV 5487, CV 5488 ay mga kapamilya ng nagpositibong si CV 5238.

Si CV 5486 ay nakaranas ng sintomas gaya ng sipon habang sina CV 5487 at CV 5488 ay asymptomatic.

Sunod ay si CV 5489, 59 anyos na babae, at residente ng Barangay District 1.

--Ads--

Siya ay isang Clerk at Direct contact ng mga nagpositibong sina CV 5089 at CV 5349 na kanyang kasamahan sa trabaho.

Siya ay nakaranas ng sintomas gaya ng ubo, panghihina, at pagkawala ng gana sa pagkain.

Pang-lima ay si CV 5490,57 anyos na lalaki, at residente ng Barangay District 1.

Siya ay direct contact ni CV 5489 na kaniyang asawa.

Siya ay nakaranas ng ubo na isa sa sintomas ng virus.

Pang-huli ay si CV 5494, 22 anyos na babae, may asawa at residente ng Barangay District 3.

Direct contact niya ang nagpositibong si CV 5240 na kaniyang ina.

Nakaranas siya ng sintomas gaya ng pagkawala ng panlasa at pang-amoy.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng LGU isolation facility ang mga bagong kaso.

Muling nanawagan ang pamahalaang lunsod sa publiko na sumunod sa mga health protocols para makaiwas sa COVID-19.