Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng Cauayan City Stand-Alone Senior High School (CCSASH) para sa paparating na Civil Service Examination (CSE) sa darating na Linggo.
Ang paaralan kasi ang isa sa magiging venue ng pagsasagwa ng CSE kung saan mahigit 2,000 examinee ang gagamit dito.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay School Principal IV John Mina ng CCSASH, sinabi niyang natapos na ang proctur meeting para sa lahat ng mga guro na makakatulong sa pagsasagawa ng nasabing pagsusulit.
MAyroong 70 na classrooms ang gagamitin para ma-cater ang lahat na kukuha ng nabanggit na pasusulit.
Aniya, hindi naman na bago ang ganitong aktibidad sa paaralan ngunit hindi rin nagpapakampante ang mga guro nang sa ganoon ay maging maayus ang pagsasagawa nito.
Kabilang sa tinututukan ngayon ng paaralan ay ang checking sa mga ventilation at ilaw ng bawat silid-aralan na magagamit sa pagsusulit.
Mayroon na ring coordination isinasagawa ang paraalan sa Public Order and Safety Division (POSD) upang magmando sa lagay ng trapiko lalo na marami ang magtutungo rito sa darating na linggo.
Home Local News
Cauayan City Stand-Alone Senior High School naghahanda na para sa Civil Service Examination
--Ads--











