--Ads--

Plano ng Office of the Ombudsman na agad ipapa-subpoena si Zaldy Co kung maibalik man siya dito sa Pilipinas.

Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, dapat ay maipaliwanag ni Co ang kaniyang pagkakasangkot sa flood control scandal, at masagot ang lahat ng mga alegasyon kung maibabalik na siya sa bansa.

Mahalaga aniya ang pagsasakustudiya ng Ombudsman kay Co para sa gumugulong na imbestigasyon at case build up, kasama na ang paglilitis sa mga kasong bumabalot sa flood control anomaly.

Nahaharap sa grat at malversation cases si Zaldy Co dahil sa mga natuklasang maanomalyang public infrastructure project na direktang iniuugnay sa kaniya.

--Ads--

Sa kasalukuyan, hindi pa malinaw kung nasaan si Co, sa kabila ng naunang anunsyo ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na siya ay naharang ng immigration officials sa Czech Republic nitong nakalipas na lingo.

Nasa Czech Republic ang isang team na pinangungunahan ni Department of Justice Sec. Frederick Vida upang kumpirmahin ang naturang report at asikasuhin ang posibleng pagpapabalik sa kaniya dito sa Pilipinas.