--Ads--

CAUAYAN CITY – Dapat pa ring ituloy ang peace talks kahit wala o may tigil putukan sa pagitan ng Armed Force of the Philippines (AFP) at Community Party of the Philippines New People’s Army National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Ito ang inihayag ni Atty. Neri Colmenares, chairman ng National Union of Peoples Lawyers (NUPL) sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan.

Ayon sa kanya, bilang isang peace advocate ay mahalaga pa ring ituloy ang peace talks dahil kahit may ceasefire ay tuloy naman ang engkwentro sa pagitan ng mga rebelde at puwersa ng pamahalaan.

Dagdag pa ni Atty. Colmenares na may mga bansa namang nagtagumpay ang peacetalks kahit walang ceasefire tulad ng Ireland.

--Ads--

Sinabi niya na mahalaga ang usapang pangkapayapaan para matalakay ang mga dahilan kung bakit sa kabila ng mga ginagawang hakbang ng pamahalaan para matigil na ang armadong pakikibaka ng rebeldeng grupo ay may mga sumasapi pa rin sa kanila.

Ang pahayag ni Atty. Neri Colmenares.