--Ads--

Muling pinalakas ng Chinese state media ang mga pahayag na kumukuwestiyon sa soberanya ng Pilipinas sa Batanes, matapos ilathala ang isang opinion piece na nagsasabing walang legal na batayan ang Maynila para magpatupad ng hurisdiksiyon sa lalawigan.

Iginiit sa naturang artikulo na hindi umano maaaring angkinin ng Pilipinas ang hurisdiksiyon sa Batanes, na kabilang sa mga pinakahilagang bahagi ng bansa.

Samantala, nananatiling malinaw na itinuturing ng Pilipinas na bahagi ng teritoryo nito ang Batanes at hindi bukas sa debate ang soberanya nito.