--Ads--
Nanawagan ng agarang tigil-putukan ang Ministry of Foreign Affairs of the People’s Republic of China sa pagitan ng Iran, US at Israel upang maiwasan ang paglala ng tensyon sa rehiyon.
Sa inilabas na pahayag nitong Sabado, sinabi ng China na dapat igalang ang soberanya, seguridad at integridad ng teritoryo ng Iran.
Ngayong Linggo naman, naglabas ng abiso ang Chinese Embassy sa Israel na pinapayuhan ang mga Chinese na lumikas patungo sa mas ligtas na lugar sa loob ng Israel o kaya ay umalis patungong Egypt sa pamamagitan ng Taba Border Crossing.
Matatandaan na inilunsad ng Estados Unidos at Israel ang pag-atake laban sa Iran noong Sabado na nagresulta sa pagkasawi ng ilang indibidwal kabilang na ang Supreme Leader ng Iran na si Ali Khamenei.
--Ads--





