Nakatakdang magsampa ng cyber libel complaint ang aktres na si Claudine Barretto laban sa showbiz columnist na si Cristy Fermin dahil sa umano’y mapanira at hindi totoong pahayag tungkol sa kanyang kalusugan at pagkakaospital.
Nagpadala na rin ang kampo ni Barretto ng cease-and-desist letter kina Fermin at co-host nitong si Romel Chika kaugnay ng mga pahayag sa kanilang vlog na Showbiz Now Na noong Oktubre 17.
Sa social media, itinanggi ni Barretto ang pahayag na mayroon siyang bipolar disorder at sinabing na-diagnose siya ng post-traumatic stress disorder (PTSD), battered wife syndrome at anxiety attacks.
Ayon sa ulat, plano ng aktres na ihain ang reklamo sa National Bureau of Investigation sa Oktubre 20.
Samantala, iginiit ni Fermin na dapat tiyakin ni Barretto na may sapat na batayan ang kasong isasampa laban sa kanya.










