--Ads--

Nagsagawa ng clean-up drive ang Barangay Tagaran sa Cauayan City upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng kanilang komunidad, partikular sa mga lugar na madalas tubuan ng damo at pag-ipunan ng basura.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Kagawad Daniel Acob, sinabi niyang mahalagang ipagpatuloy ang mga ganitong aktibidad upang maiwasan ang pagdami ng mga damo at mapanatiling malinis ang mga pampublikong lugar.

Hiniling din niya sa mga residente na maayos na tipunin at itapon ang mga pinutol na damo at iba pang basura upang hindi ito magkakalat at mas madali para sa barangay ang paglilinis.

Nanawagan naman si Acob ng pakikiisa ng mga residente sa pagpapanatili ng kalinisan sa kanilang lugar, kabilang ang tamang pagtatapon at paghihiwalay ng basura.

--Ads--