--Ads--

Matagumpay na natapos nitong Agosto 26 ang isang buwang cloud seeding operations sa Magat Reservoir and Watershed sa Isabela na isinagawa ng National Irrigation Administration (NIA), Department of Agriculture–Bureau of Soils and Water Management (DA-BSWM), at Philippine Air Force (PAF), na nagresulta sa pagtaas ng water level ng Magat Dam sa 178.50 meters above sea level (masl).

Ayon sa NIA, umabot sa kabuuang 30 flight hours ang isinagawang cloud seeding operations bilang bahagi ng agarang tugon ng pamahalaan sa epekto ng El Niño sa sektor ng agrikultura.

Malaki ang itinaas ng antas ng tubig sa dam mula sa 159.76 masl na naitala noong Hulyo 16, 2026, na siyang pinakamababang water level ng Magat Dam ngayong taon.

Bukod sa cloud seeding, nakatulong din sa pagtaas ng lebel ng tubig ang mga pag-ulan dulot ng mga bagyo at habagat nitong mga nakalipas na linggo na nagbigay ng dagdag na inflow sa reservoir.

--Ads--

Nakaplano rin ang karagdagang cloud seeding operations sa iba pang dam, kabilang ang Pantabangan Dam.

Samantala, patuloy na sinisikap ng Bombo News Team na hingan ng reaksyon ang mga kinatawan ng nasabing mga ahensya, pati na rin ang mga fish cage operators at mga magsasaka na direktang naapektuhan ng nagdaang tagtuyot.