--Ads--

Nanatiling mataas ang kumpiyansa ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone kahit hindi makapaglalaro si naturalized player Justin Brownlee sa second round ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Nagpapagaling pa si Brownlee sa injury habang hindi rin available sina Angelo Kouame at Bennie Boatwright, na hindi pa nakukumpleto ang proseso para sa Philippine passport.

Dahil dito, tututok na lamang si Cone sa kasalukuyang lineup, kabilang sina Kai Sotto, June Mar Fajardo at AJ Edu, na aniya’y sapat para mapanatiling malakas ang Gilas.

Makakaharap ng Gilas ang Jordan sa Agosto 28 at Iran sa Agosto 30 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

--Ads--