--Ads--
Magpupulong ngayong Martes ang Commission on Elections o Comelec para talakayin ang paghahanda para sa special election sa Batanes kasunod ng pagpanaw ni Rep. Ciriaco Gato Jr.
Kabilang sa pag-uusapan ng poll body kung isasabay ang special election sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE na nakatakdang isagawa sa Nobyembre 2.
Tatalakayin din ng mga opisyal ng Comelec ang posibleng iskedyul at iba pang logistical arrangements para sa special election.
Si Gato, na kumatawan sa Batanes sa House of Representatives, ay pumanaw kamakailan kaya kinakailangan ang special election upang mapunan ang nag-iisang congressional seat ng lalawigan.
--Ads--











