Nagpaalala ang Commision on Election (Comelec) Region 2 sa publiko hinggil sa usapin ng vote buying kasabay ng pagsisimula ng local campaign period kahapon, Marco 28.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Jerbee Cortez, Assistant Regional Director ng Comelec Region 2, sinabi niya na naglunsad sila ng Task Force kontra bigay upang maiwasan ang pamimili at pagbebenta ng boto sa halalan.
Aniya, nakipag-ugnayan sila sa lahat ng mga ahensya ng gobyerno para tumulong sa pagbabantay sa eleksyon.
Sa pamamagitan ng Task force kontra bigay ay maaari nang magsampa ng reklamo ang mga ordinaryong mamamayan laban sa mga kandidato na namimili ng boto.
Maaari lamang itong magtungo sa pinakamalapit na Public Attorney’s Office (PAO) para magpatulong na gumawa ng complaint na isusumite sa Provincial Committee on Baklas.
I-e-endorso naman ito sa Comelec Regional office na sila namang magdadala nito sa central office para sa pagsasagawa ng imbestigasyon.