CAUAYAN CITY- Kinumpirma ng Tumauini Police Station na mayroon silang natatatanggp na reklamo mula sa mga concerned citizen kaugnay sa di umano’y vote buying na nagaganap sa bayan ng Tumauini.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Melchor Aggabao, Hepe ng Tumauini Police Station, sinabi niya na bagama’t mayroon silang natatanggap na ulat ay wala naman aniyang naghahain sa kanilang ng formal complaints kaya hindi rin nila ito maaksyunan.
Gayunpaman ay mayroon naman na umanong naghahain ng reklamo sa tanggapan ng Commission on Elections hinggil sa usapin ng pamimili ng boto.
Hinikayat naman niya ang publiko na huwag lang basta sa social media magreklamo bagkus ay idaan ito sa tamang proseso para maging pormal ang reklamo at mai-address nila sa Comelec.
Samantala, nakipag-ugnayan na ang umano ang PNP Tumauini sa mga Barangay para umagapay sa mga kapulisan sa pagpapanatili ng kapayapaan pangunahin na ang pagpapatupad ng Liquor Ban na epektibo bukaa, Mayo 11 hanggang Mayo 12.
Aniya, simula Mayo 2 ay nakadeploy na ang mga PNP personnel sa 35 Polling Places sa Tumaini para bantayan ang mga election paraphernalia.
Tiniyak naman niya na nananatiling neutral ang mga kapulisan habang ginagampanan ang kanilang tungkulin sa pagpapanatili ng kaayusan sa halalan.