Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) nitong Huwebes na tuloy ang 2028 national elections sa itinakdang petsa, sa kabila ng mga espekulasyong hindi ito matutuloy.
Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia, nakasaad sa Saligang Batas ang mandato ng halalan at tungkulin ng Comelec na tiyakin ang pagsasagawa nito.
Ang pahayag ni Garcia ay tugon sa naging komento ni Vice President Sara Duterte na “we can only pray that there will be presidential elections” sa 2028.
Sinabi rin ng Comelec na nasa 50 hanggang 60 porsyento na ang kanilang paghahanda para sa darating na halalan. Bukod dito, mayroong humigit-kumulang 1.3 milyong bagong rehistradong kabataan na botante.
Ang mga aplikante ay maaaring magparehistro mula Lunes hanggang Linggo, 8:00 AM hanggang 5:00 PM, sa alinmang satellite registration site o sa kanilang Office of the Election Officer.











