--Ads--

CAUAYAN CITY– Kinumpirma ni Mayor Bernard Dy na mayroon nang community transmission ng COVID-19 sa Cauayan City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Mayor Bernard Dy na batay sa rekomendasyon ng Department of Healh (DOH) ay mayroon nang community transmission sa lunsod.

Dahil dito, magiging istrikto ang pagpapatupad ng mga health protocols maging ang pagbibigay ng travel pass at lilimitahan na ang paglabas ng mga tao na magtutungo sa ibang lugar.

Gayunman, tiniyak ni mayor Dy na hindi ipatutupad ang citywide lockdown at tanging mga apektadong lugar ang isasailalim sa lockdown.

--Ads--

Sa ngayon ay kontrolado ang sitwasyon dahil ang mga bagong pasyente ay close contact ng mga dati ng nagpositibo at nauna na silang na-isolate.

Dagdag pa niya na wala ring tinututukan na barangay.

Sa kabila ng pagtaas ng mga naitatalang kaso ay hindi magsasagawa ng mass testing sa lunsod dahil wala nang pondo at hindi kakayanin.

Ang pahayag ni Mayor Bernard Dy

Sa ngayon ay umabot na sa 58 ang naitalang nagpositibo sa COVID-19 sa Cauayan City, tatlo ang nasawi ngunit marami na ang gumaling.

Samantala, sinabi ni Mayor Dy na walang opisyal ng pamahalaang lunsod ang nagpositibo sa virus ngunit may empliyado ng city hall ang nagpositibo.