--Ads--

Posibleng magtagal hanggang 2027 ang matinding congestion sa mga pangunahing container port sa Asya, ayon sa maritime analysts at shipping data.

Batay sa Sea-Intelligence, nasa 8.5 porsyento ng global containership fleet ang apektado ng matinding pagkaantala, katumbas ng humigit-kumulang tatlong milyong TEUs na kapasidad.

Pinalalala ito ng sunod-sunod na bagyo at operational bottlenecks na nagdudulot ng backlogs sa mga pantalan at nagtutulak pataas sa freight rates.

Tinatayang aabutin ng pito hanggang 10 buwan bago bumaba ang congestion sa mas mababang antas, habang inaasahang mananatiling mataas ang pressure sa mga Asian port hanggang sa peak shipping season bago ang Chinese New Year sa Pebrero 2027.

--Ads--