--Ads--

Ibinaba ng Senate Impeachment Court ang bilang ng boto na kailangan para sa conviction ni Vice President Sara Duterte matapos manalo ang appeal ni Senator-Judge Erwin Tulfo na baligtarin ang ruling noon ni Presiding Officer Francis Escudero.

Labintatlong senator-judge ang bumoto pabor sa appeal at isa ang kumontra, habang anim na senator-judge ang hindi lumahok sa botohan.

Kabilang sa hindi nakibahagi sina Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano, Bong Go, Imee Marcos, Robin Padilla at Camille Villar.

Sa ilalim ng naging desisyon, maaaring baguhin ang denominator na gagamitin sa pagkukuwenta ng two-thirds vote requirement na magsisilbing batayan sa conviction o acquittal ni Vice President Sara Duterte.

--Ads--

Batay sa ruling ni Escudero, hindi isasama sa denominator ang mga senador na nakakulong, hindi matukoy ang kinaroroonan, o walang kakayahang makibahagi sa impeachment trial dahil sa medical condition.

Si Escudero ang nag-iisang bumoto laban sa appeal dahil siya ang naglabas ng unang ruling na nagtakda ng 16 na boto bilang conviction threshold.

Sa naging desisyon ng impeachment court, binago ang dating requirement sa bilang ng boto na kailangan para mahatulan si Vice President Sara Duterte.