--Ads--

Umarangkada ang Norway sa Round of 16 ng 2026 FIFA World Cup matapos pataubin ang Côte d’Ivoire, 2-1, sa kanilang Round of 32 match nitong Hunyo 30.

Unang nakapuntos ang Norway sa pamamagitan ni Antonio Nusa sa ika-39 minuto upang kunin ang bentahe bago ang halftime. Gayunman, nakabawi ang Côte d’Ivoire nang maitabla ni Amad Diallo ang laban sa ika-74 minuto.

Habang tila patungo na sa extra time ang sagupaan, naging bayani si Erling Haaland matapos itarak ang game-winning goal sa ika-86 minuto upang tuluyang ilusot ang Norway sa susunod na yugto ng torneo.

Dahil sa panalo, nakatakdang harapin ng Norway ang Brazil sa Round of 16 habang tuluyan nang nagtapos ang kampanya ng Côte d’Ivoire sa World Cup.

--Ads--