--Ads--

Gumawa ng panibagong kasaysayan ang Filipina tennis star na si Alexandra Eala matapos niyang patalsikin ang defending champion na si Iga Świątek sa ikatlong round ng Wimbledon 2026.

Sa laban na ginanap sa Centre Court, tinalo ni Eala si Świątek sa dalawang set, 7-6(9), 6-2, upang makausad sa Round of 16 at maitala ang pinakamalalim na pagtakbo ng isang Pilipino sa kasaysayan ng Wimbledon.

Naging matindi ang unang set kung saan nakaligtas si Eala sa dalawang set points bago niya naipanalo ang tiebreak. Pagdating ng ikalawang set, tuluyang nakontrol ng 21-anyos na Filipina ang laban at mabilis na nakakuha ng malaking bentahe laban sa world No. 3 mula Poland.

Dahil sa panalo, natapos ang kampanya ni Świątek bilang defending champion ng torneo. Ito rin ang ikalawang beses na tinalo ni Eala ang 6 time Grand Slam champion sa kanilang mga paghaharap.

--Ads--

Ayon sa Women’s Tennis Association, si Eala na ngayon ang kauna-unahang Pilipina na nakapasok sa ikalawang linggo ng isang Grand Slam tournament.