--Ads--

CAUAYAN CITY – Pumalo na sa 81 ang naitalang nasawi sa Isabela may kaugnayan sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Batay sa inilabas na impormasyon ang Isabela Provincial Information Office, pinakahuling nasawi noong February 6, 2021 ang isang 45 anyos na babae mula sa San Mariano, Isabela.

Walang travel history ang nasawi subalit nakasalamuha ang isang nagpositibo sa COVID-19.

Bukod sa pagkakaroon ng comorbidity, pasyente ay nakaranas ng mga sintomas ng COVID-19 tulad ng lagnat, panghihina, pagdudumi at hirap sa paghinga.

--Ads--

Samantala, negatibo sa COVID-19 ang 51 na kawani ng Rural Health Unit (RHU) at Lokal na pamahalaan ng Cabagan, Isabela na sumailalim sa pangatlong batch ng mass RT-PCR Testing noong ikalima ng Pebrero.

Ayon sa RHU Cabagan, agad na ipinag-utos ng kanilang mayor ang pagsailalim sa pagsusuri sa mga kawani ng LGU matapos na mahawaan ng virus ang ilang empleyado upang mapigilan ang pagkalat ng virus.