CAUAYAN CITY– Umakyat na sa 806 ang bilang ng COVID-19 positive sa region 2.
Ito ay makaraang madagdagan ng 40 panibagong COVID-19 patient ang rehiyon dos batay sa inilabas na update ng Department of Health region 2.
Naitala ang 27 panibagong COVID-19 positive sa lalawigan ng Nueva Vizcaya, 11 sa Isabela at tig-iisa sa Cagayan at Santiago City.
Sa ngayon ay nasa 293 ang COVID-19 active cases; 545 ang recoveries at walo ang naitalang patay
Sa lalawigan ng Isabela ay mayroon nang 399 COVID-19 confirmed case ; sa lalawigan ng Cagayan ay 281; 125 naman sa lalawigan ng Nueva Vizcaya habang sa Santiago City ay mayroong 37 COVID-19 confirmed case at apat sa lalawigan ng Quirino.
Walo na ang naitalang patay dahil sa COVID 19 sa region 2 kung saan apat ang mula sa lalawigan ng Nueva Vizcaya at tigdadalawa sa mga lalawigan ng Isabela at Cagayan.
Nanatili namang COVID free ang lalawigan ng Batanes.











