--Ads--

CAUAYAN CITY – Nadagdagan ng tatlong COVID 19 positive patient ang ginagamot ngayon sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) ngayong araw.

Dahil dito umabot na nang 18 confirmed COVID 19 positive ang ginagamot ngayon sa CVMC

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Glenn Matthew Baggo, Medical Center Chief ng CVMC na dalawang positibo sa COVID 19 ay mula sa Baggao, Cagayan habang ang isa pang pasyente ay mula sa Lulutan , City of Ilagan.

Ang 18 pasyente na ginagamot ay 6 ang galing sa Cagayan, 11 sa Isabela at isa sa Kalinga .

--Ads--

Mayroon namang 10 suspect cases ang ginagamot sa CVMC na ang 5 ay mula sa Tuguegarao City, 2 ang mula sa Baggao Cagayan at 2 ang mula Isabela.

Ang pasyente na mula sa Lulutan, City of Ilagan ay galing sa Manila at nakasakayan sa bus ng isa pang taga Lunsod ng Ilagan na naunang nagpositibo sa COVID 19

Ang dalawa namang pasyente na mula Baggao, Cagayan ay nagtatrabaho sa Quezon City at Maynila.

Pawang asymptomatic at nasa mild condition ang mga ginagamot na COVID 19 positive patient sa CVMC

Sinabi pa ni Dr. Baggao na maaaring madagdagan pa ang bilang ng mga pasyente na ginagamot ngayon sa CVMC dahil mayroon nang tumawag na mga Rural Health Units ng mga LGUs na nagpapasundo ng kanilang mga pasyente.

Tinig ni Dr. Glenn Matthew Baggo, Medical Center Chief ng CVMC

Samantala, umakyat na sa 108 ang COVID positive sa region 2 matapos madagdagan ng siyam na panibagong kaso ngayong araw.

Ang limang panibagong COVID 19 positive ay mula sa Isabela, ang tatlo ay mula sa Cagayan habang ang isa ay mula sa Tuguegarao City.