--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot na sa isang daan at labing dalawa ang naitalang Kagawaran ng Kalusugan o DOH region 2 na kaso ng COVID 19 sa rehiyon .

Ito ay makaraang madagdagan ng apat na kaso ng COVID 19 positive kahapon.

Ang apat na pasyenteng naidagdag ay dalawa mula sa Cagayan pangunahin na sa mga bayan ng Lal-lo at Tuao at dalawa rin sa Isabela na mula sa mga bayan ng Aurora at Cordon

Samantala, nasa 20 confirmed COVID 19 postive patient ang ginagamot ngayon sa Cagayan Valley Medical Center o CVMC sa Lunsod ng Tuguegarao.

--Ads--

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Glenn Matthew Baggao, Medical Center Chief ng Cagayan Valley Medical Center ang pinakahuli nilang na-admit sa pagamutan ay ang mga COVID 19 positive patient na mula sa Quezon, Isabela at Lunsod ng Tuguegarao.

Inihayag pa ni Dr. Baggao na ang 7 pasyente ay mula sa lalawigan ng Cagayan, 12 pasyente sa Isabela at isang taga Tabuk City, Kalinga….Mayroon din anyang naka-confine sa CVMC na limang suspect cases.

Nananatili namang nasa mild symptoms ang mga nasabing pasyente at nasa stable na kondisyon.

Wala pa anyang natutuklasang gamot sa COVID 19 subalit kinakailangang dalhin sa mga COVID 19 treatment facilities at ma-isolate ang mga nagpopositibo sa virus upang maiwasang makahawa.

Marami pa rin ang mga lumalabag sa health protocols na ipinapalabas ng pamahalaan pangunahin na ang DOH kayat araw-araw na may naitatalaga positibo sa virus.