CAUAYAN CITY– Nagtala ng 9 na panibagong COVID 19 positive ang region 2 batay sa talaan ng panrehiyong tanggapan ng Kagawaran ng Kalusugan ngayong araw.
Dahil dito umakyat na sa 161 ang COVID-19 positive sa region 2.
Ang panibagong kaso ng COVID-19 positive ay walo ang galing sa lalawigan ng Cagayan kung saan tig-tatlo sa bayan ng Alcala at Enrile at tig-isa sa mga bayan ng Tuao at Baggao habang ang isa ay mula sa Naguillian, Isabela.
Sa nasabing bilang ay pitu ang locally stranded individuals habang dalawa ang overseas filipino worker.
Si CV161 na taga Naguillian, Isabela ay galing sa Panama habang si CV157 na residente ng Baggao, Cagayan ay galing sa Saudi Arabia.
Ang siyam na panibagong nagpositibo sa COVID-19 sa rehiyon dos ay nananatiling asymptomic
Ang contact tracing para sa lahat ng posibleng nakasalamuha ng mga nagpositibo sa virus ay isinasagawa ng mga kawani ng DILG at kasapi ng PNP katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan at Isabela at mga Lokal na pamahalaan kung saan residente ang mga nagpositibo sa virus.











