--Ads--

CAUAYAN CITY – Nadagdagan ng anim ang COVID-19 positive sa region 2 kaya umakyat na sa  234 ngayong araw ng Martes.

Sa anim na bagong naitala ng Department of Health (DOH) region 2 ay lima ang mula sa Cagayan at isa sa Isabela.

Una si CV229 na 18 anyos na lalaki na taga-Tuao, Cagayan na Locally Individual (LSI) na galing sa Meycauayan, Bulacan.

Ikalawa si CV230 ay 63 anyos na taga-San mateo, Isabela at seafarer na galing sa  Cyprus, Egypt at Dubai.

--Ads--

Ikatlo si CV231 na 26 anyos na lalaki na mula Lallo, Cagayan na LSI at galing sa Makati City.

Ikaapat si  CV232 na 36 anyos na lalaki na taga-Piat, Cagayan at galing sa Quezon City.

Ikalima si 233 na 24 anyos na lalaki na taga-Solana, Cagayan at LSI na galing sa Taguig City.

Ikaanim si CV234 na 41 anyos na mula Solana, Cagayan at galing sa Caloocan City.

Ang anim na bagong COVID-19 patient sa region 2 ay pawang asymptomatic.

Samantala, sa Jones, Isabela, nilinaw ni Municipal administrator Jun Felipe na hindi nakauwi sa kanilang barangay ang isang LSI na nagpositibo sa COVID-19.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Ginoong Felipe na ang 29 anyos na COVID-19 positive ay galing sa Laguna at  dumating sa Lunsod ng Santiago dakong alas dos  ng madaling araw.

Mula Santiago City ay sumakay siya ng tricycle at nagtungo sa bahay ng kanyang lola sa Ramon, isabela.

Walang dalang anumang clearance at medical certificate ang LSI kaya pinayuhan  siya ng mga opisyal ng barangay na naka-monitor sa kanya na sumalalim sa quarantine.

Nagpositibo siya sa COVID-19 matapos sumaiallim sa swab test noong ikalabing-anim ng Hulyo.

Ayon kay Ginoong Felipe, pinulong ni Mayor Leticia Sebastian ang mga opisyal ng barangay para ipaliwanag sa kanila na hindi nakapasok sa Jones ang LSI na COVID-19 positive.

Nais aniya ng kanilang mayor na maglagay ng CCTV sa mga entrance at exit points sa Jones, Isabela para mamonitor ang mga dumarating kahit madaling araw.

Ang pahayag ni Municipal Administrator Jun Felipe.