--Ads--

CAUAYAN CITY– Nagtala ng 13 panibagong kaso ng COVID 19 positive sa region 2 kahapon.

Dahil dito umakyat na sa 338 ang COVID-19 positive sa rehiyon.

Sa nasabing bilang ay tatlo ang OFW, apat ang LSI at lima ang walang kasaysayan ng paglalakbay ngunit nahawaan sila ni CV308 na locallt stranded individual mula Quezon City na nakaranas ng lagnat, ubo at sipon at ginagamot sa Southern Isabela Medical Center o SIMC sa Santiago City.

Ang mga bagong COVID-19 positive ay sina CV326 na 32 anyos na babae na mula Alfonso Castañeda,Nueva Vizcaya, OFW na galing sa Saudi Arabia.

--Ads--

Ikalawa si CV327, 30 anyos na lalaki mula City of Ilagan at locally stranded individual na galing sa Caloocan City habang ang ikatlo ay si CV328, 30 anyos lalaki na mula sa Pamplona,Cagayan, locally starnded individual na galing sa Mandaluyong City.

Ika-apat si CV329, 20 anyos na babae mula City of Ilagan, locally stranded individual na galing sa Quezon City; ikalima si CV330, 38 anyos na babae at mula Delfin Albano, Isabela na galing sa Cavite at nakaranas ng sipon.

Ikaanim si CV331, 45 anyos na babae mula Tumauini, Isabela at OFW na galing sa Lebanon; ikapito si CV332, 59 anyos na lalaki na mula Naguilian, Isabela, walang kasaysayan ng paglalakbay ngunit dumalo sa lamay ng kamag-anak at nahawa kay CV308.

Habang sina CV333; CV334, 49 anyos na lalaki; CV335 na 53 anyos na babae at si CV336, 50 anyos na babae , pawang residente ng Naguillian, Isabela na mga nahawaan ni CV 308.

Ika-12 si CV337, 56 anyos na lalaki na mula Bayombong, Nueva Vizcaya at ika-13 si CV338, 39 anyos na babae mula sa Luna, Isabela, OFW na galing sa United Arab Emirates.

Sa 338 na COVID-19 positive sa region 2 ay tatlo ang nasawi at 221 ang recoveries.

Sa Isabela ay 158 ang COVID-19 positive, isang ang patay at 110 ang recoveries.

Sa Cagayan ay 147 ang kaso ng COVID 19, isang patay at 93 ang naka-recover na habang sa Nueva Vizcaya ay 27 covid 19 positive case, isa ang patay at 18 recoveries.

Nananatiling COVID-19 free ang mg lalawigan ng Batanes at Quirino.