--Ads--

CAUAYAN CITY – Nalalapit na ang pagsisimula ng operasyon ng COVID-19 testing center na kauna-unang swab testing facility sa City of Ilagan.

Sa naging pahayag ni Mayor Jose Marie Diaz, sinabi niya na patuloy na inihahanda ng pamahalaang lunsod ang mga kagamitan at iba pang mga pangangailangan sa nalalapit na operasyon ng COVID-19 testing center sa lunsod.

Aniya, ang hakbang na ito ng pamahalaan ay para matulungan na maisailalim ang lahat ng mga mamamayan sa pagsusuri upang mabigyan ng kaukulang aksyon.

Dagdag niya na inilagay na sa center ang mga laboratory equipment para sa pagsasagawa ng RT-PCR test.

--Ads--
Tinig ni City Major Jose Marie Diaz