CAUAYAN CITY – Bumaba ang Index crime rate sa Isabela sa unang buwan ng 2021.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PCol. James Cipriano, panlalawigang direktor ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) na kung ikukumpara sa mga nagdaang buwan ay ang buwan ng Enero, 2021 ang may pinakababang crime incidents sa lalawigan dahil umabot lamang sa siyam ang kanilang naitala.
Malaking tulong ang ipinapatupad nilang anti-crime strategy sa buong lalawigan dahil napababa nila ang index crime noong Enero.
Umaasa siya na ngayong Pebrero ay mas lalo pa nila itong mapababa o di kaya ay mapanatili ang ganito kababang bilang ng krimen.
Dahil dito, nagpalabas na siya ng kautusan sa mga hepe para mapanatili ang naitatalang mababang Index crime rate sa Isabela











