--Ads--

Pormal nang inanunsyo ng Portuguese football legend na si Cristiano Ronaldo ang kaniyang pagreretiro sa international football sa edad na 41.

Sa video na ibinahagi niya sa Instagram nitong Biyernes, oras sa Pilipinas, sinabi ni Ronaldo na panahon na upang ipasa sa susunod na henerasyon ang pagsusuot ng number 7 jersey ng Portugal national team.

Sa loob ng 23 taon, nakapagtala siya ng world record na 234 appearances para sa Portugal at nakaiskor ng 146 goals.

Kabilang sa pinakamalaking tagumpay niya ang pagkapanalo sa 2016 UEFA European Championship sa France.

--Ads--

Gayunman, magpapatuloy pa rin si Ronaldo sa paglalaro para sa Al-Nassr sa Saudi Arabia, kung saan mayroon siyang kontrata hanggang Hunyo 2027.

Samantala, naghahanda naman ang Portuguese Football Federation ng angkop na pagpupugay bilang pagkilala sa kaniyang kontribusyon sa pambansang koponan.