--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagkaloob ng karagdagang pondo ang Department of Health (DOH) sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) para sa pagkuha ng mga bagong medical workers.

Sa naging panayam ng Bombo  Radyo Cauayan kay Dr. Glenn Matthew Baggao, medical center chief ng CVMC, sinabi niya na bagamat sapat ang kanilang mga health workers  ay nagbigay na ng karagdagang pondo ang punong tanggapan ng DOH para sa sahod ng mga kukuning bagong health workers at pambili ng mga Personal Protective Equipment (PPE).

Sinabi ni Dr. Baggao na ang mga karagdagang medical workers ay itatalaga sa itinayong COVID-19 ward ng CVMC.

Mataas aniya ang morale ng mga health workers sa CVMC at   determinadong  pagbutihin ang trabaho sa pagtugon sa COVID-19 sa kabila na maaari silang mahawa.

--Ads--

Inihayag pa ni Dr. Glenn  Baggao na patuloy na nakakatanggap ng sahod ang mga medical health workers na sumasailalim sa quarantine maliban pa sa isang linggong pagkakataon na makasama nila ang  kanilang mga pamilya.

Ang pahayag ni Dr. Glenn Matthew Baggao.