--Ads--

CAUAYAN CITY– Sa kauna-unahang kasaysayan ng pamunuan ng Cagayan Valley Medical Center sa Tuguegarao City ay wala silang naitalang firecracker related injuries sa katatapos na pagdiriwang ng pasko at bagong taon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Dr. Glenn Matthew Baggao, Medical Center Chief ng CVMC na magmula noong December 2020 hanggang ngayong araw ng bagong taon ay walang nadalang mga pasyente na biktima ng mga paputok sa nasabing pagamutan.

Noong nakaraang taong ay nagtala sila ng 16 na kaso ng firecracker related injuries kumpara ngayon na zero.

Sinabi pa ni Dr. Baggao na apat naman ang nanganak sa CVMC ngayong bagong taon.

--Ads--

Lahat anya ng mga sanggol ay ipinanganak sa normal delivery at pawang malulusog ang mga sanggol at mga nanay na pinauwi din ngayong araw.

Ang bahagi ng pahayag ni Dr. Glenn Matthew Baggao