--Ads--

CAUAYAN CITY – Dalawang Coronavirus Disease (COVID-19) patients ang magkasunod na nasawi habang ginagamot sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Dr. Glenn Mathew Baggao, medical center chief ng CVMC na ang mga nasawing pasyente ay mula sa Tumauini, Isabela at Tuguegarao City sa Cagayan.

Aniya, ang taga-Tumauini, Isabela ay isang 77 anyos na babae at mula sa barangay Banna.

Inirefer siya ng LGU Tumauini at kahapon ng tanghali lamang itinakbo sa naturang ospital.

--Ads--

Gayunman ay hirap na hirap na siya sa paghinga at batay sa kanyang x-ray result ay matindi ang COVID-19 na tumama sa kanya.

Bukod dito ay mayroon din siyang comorbities na type 2 diabetes mellitus, hypertension at critical pneumonia.

Kahapon ay nasawi siya dakong alas diyes kuwarentay singko ng gabi.

Ang mula naman sa Tuguegarao City ay 56 anyos na lalaki at na-admit sa ospital noong ika-8 ng Enero 2021.

Mayroon din siyang critical pneumonia at uncontrolled na diabetes mellitus.

Binawian siya ng buhay dakong alas onse kagabi.

Ayon kay Dr. Baggao, dating na-stroke at nagkaroon ng pagdurugo sa utak ang pasyente.

Nakapagtala na ng 15 na nasawi ang CVMC na karamihan ay 65 anyos at may comorbidities.

Ang pahayag ni Dr. Glenn Matthew Baggao