--Ads--

CAUAYAN CITY– Kulang ang senate report hinggil sa smuggling ng mga produktong agrikultura dahil hindi dumalo si Kalihim William Dar ng DA sa apat na beses na pagpapatawag sa kanya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engineer Rosendo So, national chairman ng SINAG, sinabi niya na noong 2019 ay naglaan ang pambansang pamahalaan ng Php550 million na pondo para sa pagpapatayo ng pasilidad para mahadlangan ang pagpupuslit ng mga produkto sa bansa. Kung dumalo sana si Kalihim Dar sa mga pagdinig ng Senado ay nalaman sa kanya ng mga ginawang hakbang.

Si Mayor Toby Tiangco ng Navotas ay hindi nabanggit sa mga pagdinig.

Nang magkita sila ni Mayor Tiangco noong Marso ngayong taon ay nabanggit niya na nagsampa ang pamahalaang lunsod ng Navotas ng dalawang kaso ng economic sabotage laban sa mga smuggler.

--Ads--

Ayon kay Eng’r So na dapat ding ipinatawag ang mga sangkot sa smuggling para marinig ang kanilang panig.

Bahagi ng pahayag ni Engineer Rosendo So