--Ads--

CAUAYAN CITY – Labis na nagpapasalamat ang pamunuan ng St. Anthony de Padua Parish Church sa mga hygiene kits at goods na ipinasakamay ng Bombo Radyo Cauayan at binili mula sa mga cash donations na natanggap ng Bombo Radyo Philippines Foundation Incorporated (BRPFI) mula sa mga donors sa iba’t ibang ibang lugar sa Pilipinas at sa ibang bansa.

Inaasahang daan-daang pamilya na labis na naaapektuhan ng pagbaha sa Reina Mercedes, Isabela ang mabibigyan ng mga irerepack na hygiene kits na kinabibilangan ng mga alchohol, sabon, shampoo, dishwashing liquid, toothpaste at mga goods tulad ng mga noodles, de lata, bigas at mga bottled water.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Fr. Vener Ceperez, kura paroko ng St. Anthony de Padua Parish Church, nagpasalamat siya sa Bombo Radyo Philippines Foundation at sa mga taong nagbigay ng tulong para sa mga naapektuhan ng pagbaha sa Reina Mercedes.

Pinakaapektuhan aniya ng pagbaha sa bayan ng Reina Mercedes ang Purok 1, 5, at Purok 6 ng barangay Banquero at may mga
pamilya ring naapektuhan sa Barangay Turod, District 1 at District 2.

--Ads--

Tiniyak ni Fr. Ceperez na sa kanilang pamamahagi ng mga tulong ay titingnan nila kung sino ang mas nangangailangang mamamayan lalo na ang mga mahihirap.

Ang pahayag ni Fr. Vener Ceperez

Binigyang-diin ni Fr. Ceperez na napakagandang pagkakataon ang pamamahagi ng tulong ng Bombo Radyo Philippines Foundation Inc. dahil naisabay pa kahapon sa Kapistahan ng Immaculada Concepcion ng Birheng Maria.

Hindi nila inaasahang kabilang ang St. Anthony de Padua Parish Church sa mga bibigyan ng Bombo Radyo Philippines Foundation Inc. ng tulong dahil batid niyang maraming mamamayan sa Cauayan City ang lubhang naapektuhan ng pagbaha.

Napakaganda aniya itong pamasko sa mga mamamayang naapektuhan ng pagbaha sa Reina Mercedes, Isabela.

Ang maraming karton ng mga hygiene kits na mula sa mga cash donations na natanggap ng BRPFI ay irerepack ng mga kabataan para maipamahagi na sa mga mapipiling benepisaryo.

Ang pahayag ni Fr. Vener Ceperez

Matatandaang 2,000 na benepisaryo ang nakatanggap ng tulong mula sa 200,000 na sako ng bigas at mga noodles, de lata at sabon na donasyon mismo ng Bombo Radyo Philippines Foundation Incorporated sa Our Lady of the Pillar Parish Church sa Cauayan City at ipinamahagi naman sa mga mamamayan sa mga barangay na labis na naapektuhan ng malawakang pagbaha.