--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot sa mahigit 100 na pamilya ang naapektuhan sa District III, Cauayan City matapos na abutin ng tubig baha ang kanilang mga bahay dahil sa pag-apaw ng ilog sa Sipat Street.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Armando, residente sa nasabing lugar na nagsimula ang paglikas ng mga residente kahapon ng umaga.

Aniya, hindi na sila lumayo at naglagay na lamang ng mga tarapal malapit sa kanilang bahay para mabantayan pa rin nila ito bukod sa mayroon silang anak na maliit pa lamang.

Sa naturang bahagi ng barangay ay aabot sa 10 pamilya ang lumikas na may 75 na indibivual.

--Ads--

Ayon naman kay Barangay Kapitan Melchor “Estoy” Meris, nasa 102 na dalawang pamilya ang inilikas sa kanilang barangay matapos na abutin ng baha ang kanilang mga bahay.

Kung bibilangin ang lahat ng apektado sa kanilang barangay ay aabot sa 400 na tao.

Bukod sa Sipat Street ay naabot din ng tubig ang Purok 6 at 7 pangunahin na sa boundary ng District III at Labinab, Cauayan City kaya pinalikas din ang mga residente roon.

Agad namang nagpaabot ng tulong ang Cauayan City Social Welfare and Development Office (CSWDO).

Sa ngayon ay patuloy ang pagmonitor ng pamahalaang barangay sa mga apektadong mamamayan.

Sinabi pa ni Barangay Kapitan Meris na nakipagpulong siya kahapon kay Mayor Bernard Dy para sa libreng pabahay sa mga residente na nakatira sa gilid ng ilog.

Hihintayin lamang nila na bumaba ang tubig para makausap niya ang kanyang mga kabarangay na laging nababaha tuwing panahon ng tag-ulan.

Ang pahayag ni Barangay Kapitan