--Ads--

CAUAYAN CITY – Umaabot pa sa 300,000 na Overseas Filipino Workers (OFW’s) ang tutulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na makauwi sa bansa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Labor Secretary Silvestre Bello III,  sinabi  niya na patuloy ang kanilang pagpapauwi sa mga displaced at distressed OFWs na naapektuhan ng COVID-19 pandemic sa mundo.

Halos araw-araw ay may napapauwi ang DOLE na OFW’s na umaabot sa 1,000 hanggang 3,000 at ang pinakamarami ay mula sa mga bansa sa Middleast.

Sinabi pa ni Secretary Bello na nasa 10 million na lamang ang natitira sa inilaang pondo para sa DOLE AKAP Program dahil naipamahagi na sa mga nauna nang umuwing OFW’s sa bansa.

--Ads--

Umabot din sa P5 billion ang repatriation fund na inilaan ng pamahalaan sa mga uuwing OFW’s sa bansa.

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing pondo at kung kukulangin ay maaari pang humiling ang DOLE ng pondo para sa mga repatriated OFW’s.

Ang pahayag ni Kalihim Silvestre Bello III ng DOLE