--Ads--

CAUAYAN CITY– Hustisya ang sigaw ng mga kamag-anak at kaibigan ng dalagitang hinalay at pinatay sa Bella Luz, San Mateo, Isabela habang inihahatid sa kanyang huling hantungan kahapon, Nobyembre 2, 2020.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa San Mateo Police Station, patuloy ang kanilang pangangalap ng mga karagdagang impormasyon at ebidensiya may kaugnayan sa pagkakilanlan ng mga suspek sa karumal-dumal na krimen.

Naglaan ng pabuyang P100,000.00 ang pamahalaang lokal ng San Mateo para sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon o makakapagturo sa suspek.

Matatandaang natagpuang wala nang buhay si Princess, 13 anyos sa isang irigasiyon malapit sa fishpond sa barangay Bella Luz na walang saplot pang-ibaba.

--Ads--

Lumabas sa pagsusuri ng doktor na ginahasa ang biktima bago pinatay at itinapon sa irigasyon.

Maliban dito ay nagtamo rin ng matinding injury sa ulo ang biktima na palatandaang pinalo ng matigas na bagay.