--Ads--

Nasamsam ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dalawang baril mula sa mga suspek sa isinagawang operasyon sa kahabaan ng national highway sa Barangay Sillawit, Cauayan City, malapit sa tanggapan ng DENR, dakong alas-11:00 ng umaga.

Batay sa paunang impormasyon, sakay ng isang sedan na sasakyan ang mga suspek na patungo sana sa bayan ng Alicia nang mapara at maaresto ng mga awtoridad. Bukod sa dalawang baril, narekober din sa kanila ang dalawang bundle ng pera na nagkakahalaga ng tig-P6,000 at dalawang identification cards.

Patuloy na iniimbestigahan ng CIDG ang pinagmulan at legalidad ng mga nakumpiskang armas, gayundin ang posibleng pagkakasangkot ng mga suspek sa iba pang ilegal na aktibidad.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang mga naarestong suspek nang lapitan para sa panayam.

--Ads--

Samantala, nagpapatuloy ang pangangalap ng karagdagang impormasyon habang inihahanda ng mga awtoridad ang mga kasong isasampa laban sa mga suspek.