--Ads--

SA LUNSOD NG ILAGAN – Si Congressman Napoleon Dy ng 3rd District ng Isabela ang unang naghain ng certificate of candidacy para sa pagka-gobernaador ng Isabela.

Sinasabing magiging runningmate niya sa pagka-bise gobernador si dating Lady governor at dating COMELEC Commissioner Grace Padaca ngunit hindi pa naghain ng kanyang COC.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Congressman Pol Dy na layunin ng kanyang pagtakbo na maglingkod sa buong lalawigan ng Isabela

Inamin din niya na hindi sila magkasundo sa pamamahala ng kanyang kapatid na si Gov. Bojie Dy dahil magkaiba sila ng sistema.

--Ads--

Sinasabing si Gov. Dy na nakatatlo nang termino ay tatakbong bise gobernador at posibleng muli silang magkalaban ni dating Gov. Padaca.

Ayon kay Cong. Pol Dy, hindi magkakaroon ng lamat ang relasyon nila ng kanyang nakababatang kapatid dahil hindi lamang sila nagkakasundo sa