--Ads--

Napaghandaan na umano ng Commission on Elections (Comelec) Santiago ang pagdagsa ng mga nagnanais magparehistro bilang botante para sa nakatakdang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Nobyembre.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Jenny May Gutierrez, Election Officer IV ng Comelec Santiago City, sinabi niya na karaniwang ganito na ang sitwasyon sa kanilang tanggapan tuwing huling araw ng voter’s registration.

Ilan sa kasi sa mga ito ay hindi umano aware sa deadline ng pagpaparehistro kaya marami ang nagkukumahog tuwing last day.

Bagama’t mayroong isinagawa na mga satellite registration sa ilang mga barangay sa Lungsod, may ilan pa rin umano ang hindi nakakaalam sa kanilang pagbisita sa lugar ng mga ito para sa nagnanais magparehistro.

--Ads--

Nagpasalamat naman siya sa mga kapulisan para sa assistance na kanilang ibinibigay upang matiyak na maging mapayapa ang huling araw ng voter’s registration.