--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagpahayag ng ibayung kalungkutan ang dating pinuno ng First Scout Ranger Regiment ng Special Forces ng Phil. Army sa mga naglalabasang fake news hinggil sa di umanoy pang-aabuso o paglabag ng karapatang pantao na ginagawa di umano ng mga sundalo sa Marawi City.

Ang hinanakit ay ipinahayag ni Retired Major General Benito Ramos sa kanyang pagsasalita sa harapan ng mga estudyante at mga guro ng isang pribadong kung saan ginanap ang earthquake dril.

Ayon kay Reitred General Ramos, nasasaktan umano sila dahil sa hindi mapatunayang paratang at ang alam umano niya ay disiplinado na ang mga sundalo ng pamahalaan na handa magbuwis ng kanilang buhay para lamang sa kapayapaan.

Ayon kay Retired Major General Ramos , nagpapasalamat din sila sa ngalan ng Special Forces ng AFP dahil sa pagkakaloob ng tulong ni Punong Lalawigan Bogie Dy sa mga sugatang sundalo na nasa mga ospital sa Maynila.

--Ads--

Noong nakaraang Linggo, si Punong-Lalawigan Dy ay bumisita sa mga ospital kasabay ng anniversary ng special Forces.