CAUAYAN CITY- Naka-posisyon na ang hanay ng Delfin Albano Police Station sa mga polling centers at ilang mga strategic areas sa kanilang nasasakupan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Jeorge Jacob, Hepe ng Delfin Albano Police Station, sinabi niya na simula noong Mayo 5 kung kailan na-dispatch ang mga Election paraphernalia sa mga polling centers ay binantayan na ito ng mga PNP Personnel.
Naging maganda rin aniya ang kanilang uganayan sa Barangay Officials na kanilang katuwang sa pagbabantay.
Simula nang magsimula ang panganagmpanya ay wala pa silang naitala na anumang kanais-nais na insidente sa kanilang nasasakupan na may kinalaman sa halalan.
Aniya, tahimik ang Delfin Albano ngayong halalan dahil unoppossed ang tumatakbong Mayor at Vice Mayor kaya nananatiling mapayapa ang naturang bayan.
Samantala, naging matagumpay naman ang pagsasagawa nila ng ‘Oplan Katok’ dahil nakapagpa-surrender sila ng apat na firearms.
Sa nakalipas na tatlong buwan ay mayroon din silang tatlong naarestong indibidwal kung saan dalawa ang arrested wanted person habang isa ang warrantless arrest matapos itong lumabag sa election gun ban.











