--Ads--

Nagtala ng panibagong karangalan para sa Pilipinas si Dhenver John Castillo matapos masungkit ang pilak na medalya sa boys’ foil windsurfing event ng 6th Asian Beach Games na ginanap sa Sanya Bay Haihong Square.

Si Castillo, na nagwagi ng ginto sa 33rd Southeast Asian Games sa Thailand noong nakaraang taon, ay nakapagtala ng 39 Net points kapantay ng Thai na si Wachirawit Thonup matapos ang 13 heat na laban. Gayunman, pumangalawa ang Pinoy bet sa huling karera kaya’t itinakda sa kanya ang silver medal.

Hindi na itinuloy ang ika-14 na karera dahil sa masamang kondisyon ng panahon sa naturang resort city. Sa huling sail, nagtala si Castillo ng dalawang Net points para sa kabuuang 58, kumpara sa tatlong Net points ni Thonup na may total na 57, dahilan upang makuha ng Thai ang mas mataas na puwesto.

Samantala, nakamit ni Wang Yiguo ng China ang gintong medalya matapos magrehistro ng halos perpektong 12 Net points.

--Ads--

Sa kabuuang talaan ng medalya, nasa ikatlong puwesto ang Team Philippines na may tatlong ginto, tatlong pilak, at dalawang tanso mula sa 45 bansang kalahok. Nangunguna ang China na may 15 ginto, 11 pilak, at limang tanso.