--Ads--

Inihayag ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na patuloy na nag-e-evolve ang mga paraan ng scammer para makapanloko at makakuha ng pera at impormasyon mula sa mga biktima.

Ayon kay DICT Secretary Henry Aguda, nababawasan na ang account takeover scams dahil sa mas mahigpit na seguridad ng mga bangko tulad ng biometrics at facial recognition.

Gayunman, lumilipat na aniya ang mga scammer sa investment scams gaya ng get-rich-quick schemes at iba pang financial fraud, na kadalasang nangangakong malalaking kita kapalit ng unang puhunan.

Binalaan din niya na mas lumalala pa ang panlilinlang dahil sa paggamit ng artificial intelligence, kung saan minsan ay hindi na matukoy kung tao o AI ang kausap ng biktima.

--Ads--

Hinikayat ni Aguda ang publiko na maging alerto at agad i-report sa DICT ang mga kahina-hinalang aktibidad.