Binatikos ng Commission on Audit (COA) ang bilyon-bilyong pisong halaga ng expired na mga gamot at ang maling pamamahala sa medical inventory ng Department of Health.
Ayon sa COA audit report para sa 2025, umabot sa P216.9 milyon ang expired na gamot at P476.5 milyon ang malapit nang ma-expire. Natukoy rin ang P32.64 bilyong inventory deficiencies, kabilang ang malalaking delay sa pagre-record at kakulangan sa dokumentasyon.
Lumabas din ang mga iregularidad tulad ng undocumented transfers, maling pag-record ng drug movements, at bilyon-bilyong dormant accounts na walang sapat na dokumento.
Pinuna rin ang P1.616 bilyong vaccine procurement na isinagawa umano sa pamamagitan ng direct contracting nang walang sapat na market validation.
Ayon sa COA, hindi ito simpleng error kundi indikasyon ng mahinang kontrol sa pondo at supply management.
Ikinatwiran naman ng Department of Health na may mga paratang laban sa kanila na umano’y bahagi ng paninira, at iginiit ang pagkakaroon ng internal issues sa ahensya.











